Walang Pilipinong naapektuhan sa nakamamatay na pagbaha sa Pakistan

0
192

Walang Pilipinong nasaktan sa malawakang pagbaha sa Pakistan na ikinamatay ng mahigit 1,100 mula noong kalagitnaan ng Hunyo.

Patuloy na sinusubaybayan ng Embahada ng Pilipinas sa Islamabad ang sitwasyon at nakahanda silang tulungan ang mga Pilipinong maaapektuhan.

Nagtiis ang Pakistan sa malalakas na pag-ulan mula noong Hunyo, na nagdulot ng matinding pagbaha na nakaapekto na sa tinatayang 33 milyong katao. Sa bilang ng mga nasawi, mahigit 350 ang mga bata.

Ayon sa United Nations, mahigit 500,000 katao ang nawalan ng tirahan at halos isang milyong tahanan ang nasira.

Sa ngayon, hindi bababa sa 72 distrito sa buong Pakistan ang idineklara na “calamity-hit”, isang bilang na inaasahang tataas habang patuloy na bumubuhos ang ulan sa bansa.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.