Walang Pilipinong nasaktan sa pag-atake sa Saudi Arabia

0
368

Ibinahagi ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, Saudi Arabia ang magandang balita noong Linggo na walang Pilipinong nasaktan sa malakas na pagsabog na naganap sa Jeddah noong Marso 20 at 25.

Sinabi ng state owned news agency ng Saudi na SPA na ang Bulk Plant ng Saudi Aramco sa Jeddah, malapit sa isang karera ng Formula One, ay na-target ng isang “act of aggression” ng Houthi militia na suportado ng Iran, ayon sa Anadolu news.

Ang pangunahing karera sa Linggo ay magpapatuloy ayon sa iskedyul.

Idinagdag sa pahayag na kasunod ng “hostile attack,” isang sunog ang sumiklab sa mga tangke sa pasilidad ng langis ngunit agad ding nakontrol.

Tinamaan din ang isang tanggapan ng social insurance na pinamamahalaan ng estado.

Noong Sabado, inihayag ng grupong Houthi ang tatlong araw na ceasefire at ang posibilidad ng permanenteng tigil-putukan kung tatapusin ng koalisyon na pinamumunuan ng Saudi ang mga operasyon nito laban sa Yemen.

“The Embassy and the Philippine Consulate General in Jeddah will continue to coordinate with local authorities and the Filipino community to ensure the safety and security of Filipinos in the Kingdom,” ayon sa statement ng embahada na naka post sa Facebook.

Pinapayuhan ang mga Pilipino na makipag-ugnayan sa embahada o opisina ng Consulate General sakaling magkaroon ng emergency.

“The Philippines joins the community of nations in the collective condemnation of these attacks and calls for cessation of violence against civilians,” ayon sa Philippine Embassy.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.