Suspendido ang klase sa ilang lugar sa bansa dahil sa masamang panahon na dala ng bagyong Amang.
Sa lalawigan ng Quezon, sinuspinde ni Mayor Aries Aguirre ang klase sa elementary at high school sa bayan ng Mulanay, Quezon sa Abril 12.
Suspendido na rin ang pasok ng pre-elementary hanggang high school sa Lopez, Quezon.
Suspendido rin ang klase sa mga sumusunod na bayan sa Quezon:
- Calauag (preschool to high school)
- General Luna (elementary to high school, kasama ang PUP General Luna campus)
- Gumaca (kinder to Grade 12)
- Infanta (kinder to Grade 12)
- Lucena (preschool to senior high school)
- Mauban (preschool to senior high school)
- Mulanay (elementary to high school)
- Real (preschool to senior high school)
- San Francisco (kinder to Grade 12)
- Tagkawayan (all levels)
Sinuspindi na rin ni Laguna Governor Ramil Hernandez ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa private at public, sa lahat ng bayan at lungsod sa Laguna.
Sinuspende rin ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Sur ang klase sa lahat ng antas, public at private, sa buong lalawigan.
Suspendido rin ang pasok sa mga sumusunod na lugar:
AURORA
- Dingalan (lahat ng antas)
BULACAN
- Norzagaray (kinder to senior high school, kasama ang ALS)
- San Ildefonso (pre-school to senior high school)
- San Rafael (daycare to senior high school, kasama ang ALS)
NUEVA ECIJA
- San Jose (pre-school to Grade 12)
- Talavera (daycare to senior high school)
RIZAL
- Angono (pre-school to senior high school)
- San Mateo ((kinder to Grade 12, kasama ang ALS)
- Taytay (pre-school to senior high school)
Sa huling abiso ng PAGASA, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
LUZON
- Catanduanes
- Sorsogon
- Albay
- Camarines Sur
- Camarines Norte
- Quezon including Pollilo Islands, Marinduque, Ticao Island, Burias Island
- Rizal
- Laguna (San Pablo City, Alaminos, Calauan, Bay, Los Baños, Rizal, Nagcarlan, Victoria, Pila, Liliw, Magdalena, Majayjay, Luisiana, Cavinti, Pagsanjan, Santa Cruz, Lumban, Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Mabitac)
- Aurora
- Bulacan (Norzagaray, Doña Remedios Trinidad, San Miguel, San Ildefonso)
- Quirino
- Nueva Vizcaya (Kasibu, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Alfonso Castaneda)
- Nueva Ecija (General Tinio, City of Gapan, Peñaranda, San Leonardo, Santa Rosa, Cabanatuan City, Talavera, San Jose City, Carranglan, Pantabangan, Llanera, General Mamerto Natividad, Rizal, Bongabon, Laur, Palayan City, Gabaldon)
- Isabela (Echague, San Agustin, Jones, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Palanan, Angadanan, Benito Soliven, City of Cauayan)
VISAYAS
- Northern Samar
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.