#WalangPasok ngayong araw, Lunes, Oktubre 16 dahil sa transport strike

0
594

Dahil sa inaasahang transport strike, ilan sa mga paaralan at mga lugar sa Metro Manila at kalapit-probinsya ang nag-anunsyo na ng suspensyon ng mga klase.

Narito ang listahan ng mga paaralan at lugar na walang pasok:

  • De La Salle University – Manila
  • University of Santo Tomas
  • University of the East – Manila at Caloocan
  • San Beda University – Manila at Rizal
  • Lyceum of the Philippines University
  • Adamson University
  • Our Lady of Fatima University – Pampanga at Laguna
  • Lahat ng branch at campus ng Polytechnic University of the Philippines
  • Santa Rosa, Laguna
  • Lingayen, Pangasinan
  • Cabuyao City
  • Marikina City

Samantala, ang suspensyon ng klase ay tatagal hanggang Oktubre 17, Martes, sa mga sumusunod na lugar:

  • Pampanga
  • Angeles City

Dagdag pa rito, nagsuspinde rin ang face-to-face classes sa mga sumusunod na lugar:

  • Dagupan City, Pangasinan – Elementarya hanggang High School, pampubliko
  • Binmaley, Pangasinan – Pre-school hanggang Senior High School, pampubliko at pribado

Patuloy na i-refresh ang post na ito para sa pinakabagong impormasyon at mga posibleng karagdagang suspensyon ng klase.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.