Walk-in vaccinees, pinapayagan na sa SPCC mula mamayang 2:00 ng hapon

0
272

San Pablo City, Laguna.  Pinapayagan na ang mga walk-in para sa first dose vaccination  sa San Pablo Convention Center ngayong araw mula 2:00 hanggang 3:00 ng hapon, ayon sa advisory ni City Health Officer Dr. James Lee Ho.

Bukas ang nabanggit na vaccination program para sa adult na nasa edd 18 pataas.

Mahigpit na ibinibilin ni Dr. Lee Ho sa mga pupunta sa nabanggit na convention center ang pagsunod sa social distancing, pagsusuot ng face mask at face shield.

Ipinapayo din ang pagdadala ng valid ID.

Samantala, ang booster dose ay mananatiling appointment-bases at pre-listed ang second dose vaccination, ayon pa rin sa bagong abiso.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.