Walong iligal na mangingisda inaresto ng Quezon PNP

0
399

Lucena City, Quezon. Ipinag-utos ni PCOL Joel A. Villanueva, Provincial Director ng Quezon Police Office ​​(QPPO) ang mahigpit na pagpapatupad ng Illegal Fishing activities sa buong probinsya na nagresulta sa pagka aresto sa walong suspek na iligal na mangingisda sa ilalim ng pinagsamang operasyon ng QPPO, Maritime Group at ng mga LGU.

Kinilala ni PCol Villanueva ang mga inaresto na sina Erick Nere y Amparo, 29 anyos, at residente ng Unisan Quezon; Ronniel Ruales, 28 anyos, ng Pitogo Quezon; Jayson Santiago, 44 anyos, ng Pitogo Quezon at pawang mga nadakip sa Pitogo, Quezon, 

Samantala, nadakip naman sa Unisan, Quezon sina Eduardo Villegas De Lantar, 65 anyos at Timmy Tocles Almaranes Mon, 35 anyos, pawang naninirahan sa Atimonan Quezon.

Tatlo naman ang inaresto sa San Francisco Quezon na kinilala sina Ruben Mandalihan Tumulak, 41 anyos; Arnel Leal Sta Maria, 48 anyos at Melvin Manaig (TMU) 27 anyos, pawang mga residente ng Atimonan Quezon.

Nakumpiska sa mga suspek ang mahigit na 90 kilo ng iba’t ibang klase ng isda na nagkakahalaga ng Php 90,000. KInuha din ng mga pulis ang kanilang motorized banca, air compressor, air tank, long hose, fishing rod, at iba pang gamit sa pangingisda. 

Ang mga dinakip ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng nakakasakop ng police station at nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa Section 3 ng Republic Act No. 10654.  

“Ang likas na yaman na ipinagkaloob sa atin ng Poong Maykapal ay ating pagyamanin hindi para abusuhin. Walang sinuman ang pinahihintulutan ng Quezon police force kasama ang Maritime Group and ang mga Bantay Dagat ang pangingisda sa maling pamamaraan. Hindi hadlang ang lalim ng dagat upang hindi naming kayo maabot” ayon sa mensahe ni PCOl Villanueva.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.