Walong sako ng court case records, ninakaw sa Batangas

0
371

Tanauan City. Batangas. Hinuli ng.mga operatiba ng Batangas PNP ang isang lalaki matapos na nakawin nito ang  walong sako ng court case records ng Regional Trial Court Branch 83 (RTC) sa lungsod na ito.

Kinilala ni Batangas Chief PNP Col. Glicerio Cansilao, Batangas ang suspect na si John Carlo Lumbres, 43, anyos may asawa at naninirahan sa Tanauan City, Batangas.

Sinira ni Lumbres ang jalousie window ng staff room na kinalalagyan ng mga court records at ninakaw ang mga ito, ayon sa report.

Pinuntahan ng mga pulis ang nabanggit na RTC matapos itawag sa kanila ng isang nagngangalang Vic Vic na may isang kahina hinalang lalaki sa tapost ng nabanggit na RTC ngunit hindi na nila inabutan ang suspek.

Sa isang follow up operations isinagawa noong Sabado, nahuli ang suspek sa kanyang bahay at narekober ng mga pulis ang walong sako ng ninakaw na court case records.

Nahaharap si Lumbres sa kasong robbery habang inaalam kung ano ang motibo sa pagnanakaw ng mga dokumento.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.