Inilabas ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang wanted poster ng anim na suspek sa kaso ng nawawalang mga sabungero.
Ito ay matapos maglabas ng warrant of arrest para sa kidnapping at serious illegal detention ang korte laban sa anim na sina Julie Patidongan alyas Dondon, Mark Carlo Zabala, Roberto Matillano Jr., Johnny Consolacion, Virgilio Bayog at Gleer Codilla alyas Gler Cudilla.
Nag-alok ang Department of Justice ng PHP6 million reward para sa anumang impormasyon sa pagkakaaresto sa anim na suspek.
“Kami ay umaasa na sa pamamagitan ng mga posters na ito at sa impormasyon na magmumula sa ating mga kababayan ay mapapabilis natin na matutunton ang kanilang pinagtataguan at agarang pagkahuli ng mga akusado,” ayon kay CIDG chief Brig. Gen. Romeo Caramat Jr.
Idinagdag ni Caramat na ang mga poster ay ipapamahagi sa buong bansa at ipapaskil sa lahat ng police units, places of convergence, social media at sa website ng CIDG.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.