Patuloy na lumalakas ang Tropical Storm Fung wong, na kilala bilang Uwan sa Pilipinas, habang naglalakbay ito sa Philippine Sea ngayong Sabado. Ayon sa datos mula sa Zoom Earth, maaari itong umabot sa Typhoon o Super Typhoon intensity at umabot sa tinatayang 120 knots habang patuloy na kumikilos pa kanluran.
Inaasahang magla landfall ang Uwan sa hilagang silangang bahagi ng Luzon mula Linggo ng gabi hanggang Lunes ng madaling araw. Pagkatapos ng landfall, inaasahang hihina ang bagyo dahil sa bulubunduking bahagi ng Luzon, pati na rin sa epekto ng northeast monsoon at upper level wind shear.
Dahil sa laki ng bagyon, ipinapakita ng forecast models ang posibilidad ng heavy rainfall sa Cagayan, Apayao, at northern Isabela. Pinag iingat ang mga residente laban sa pagbaha, pagtaas ng ilog, at rain induced landslides. Nanatiling delikado ang sea travel, lalo na para sa small sea crafts, dahil sa lakas ng hangin at magulong karagatan.
Bukod dito, inaasahang magkakaroon ng pagkaantala sa transportasyon, kabilang ang mga biyahe sa kalsada at paliparan, at posibleng pagkawala ng kuryente sa ilang lugar dulot ng malakas na hangin at bumabagsak na puno o poste. Pinag-iingat din ang mga residente sa posibilidad ng pinsala sa bahay at imprastraktura, pati na rin sa panganib sa kaligtasan ng mga bata, matatanda, at may sakit.
Hinimok ng mga awtoridad ang mga komunidad sa high risk areas na maghanda, bantayan ang mga update mula sa PAGASA, at sundin ang mga kautusan ng kanilang Local City Disaster Risk Reduction and Management Office at CDRRMO habang papalapit ang bagyo.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





