Website ng kongreso, binira din ng mga hacker

0
230

MAYNILA. Inatake rin ng mga hacker ang opisyal na website ng House of Representatives noong Linggo, Oktubre 15, 2023.

Sa homepage ng kongreso na congress.gov.ph, makikita ang mensahe na nagsasabing, “YOU’VE BEEN HACKED. YOU’VE BEEN HACKED. HAVE A NICE DAY.” Kasama nito ang isang troll face gif ng tumatawang lalaki. Mayroon ding isang mensahe na nagsasabibg, “HAPPY APRIL FULLZ KAHIT OCTOBER PALANG! HACKED BY 3MUSKETEERZ 15-October-2023 || 11:31:24 AM.” Dagil dito, hindi na maaring ma-access ang nasabing website.

Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco kahapon ang insidenteng ito.“We wish to inform the public that the official website of the House of Representatives experienced unauthorized access earlier today,” ayon kay Velasco.

“Immediate steps have been taken to address the issue, and we are working closely with the Department of Information and Communications Technology (DICT), Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) and law enforcement agencies concerned to investigate the matter,” dagdag pa niya.

Nanawagan si Velasco sa publiko na magpakita ng pang-unawa habang inaayos at ibinabalik ang website. “Habang kami ay naglalakbay papunta sa buong pagpapabuti ng website, humihiling kami ng inyong pasensya at pang-unawa. Kami ay may determinasyon na mapanatili ang seguridad at integridad ng aming mga digital na plataporma, at kami ay magpapatupad ng karagdagang hakbang upang maiwasan ang mga ganitong insidente sa hinaharap.”

“For the moment, we advise the public to be cautious of any suspicious emails or communications that claim to be from the House of Representatives. We will keep the public updated as more information becomes available,” pagpapatuloy ni Velasco.

Samantala, ayon kay DICT Assistant Secretary Aboy Paraiso, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa Kongreso ukol sa insidente. “We already are in coordination with the HOR regarding their cyber security incident and are now doing an extensive investigation on the matter with the data that’s provided to us to determine the extent of such,” ayon sa mensahe ni Paraiso sa mga reporters.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo