WORLD POLIO DAY: Catch-up polio vaccination sinimulan noong Oktubre 13

0
256

Maynila. Kasabay ng World Polio Day, hinikayat Department of Health, World Health Organization, UNICEF at Rotary International ang lahat ng magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa mga sakit na maiiwasan partikular ang polio.

Noong Oktube 31 ay inilunsad ng DOH ang catch-up immunization campaign para sa mga batang lumiban sa kanilang routine immunization noong kasagsagan ng Covid-19. 

“Ang mga bakuna po for routine immunization ay ligtas at libre, makipag-ugnayan lamang po sa local health centers sa inyong lugar,” ayon sa tagubilin ni Health Secretary Francisco T. Duque III.

Ang polio ay lubhang nakahahawa at nakalulumpo. Ngunit kadalasan ang mga nakamamatay na sakit ay maiwasan sa pamamagitan ng bakuna. Ang mga batang wala pang limang taon ay mahina laban sa polio virus.

“Vaccines work. The fact that we are close to ending polio is proof of this. However, we are not yet there and we must fulfill our promise to children to make the world polio-free. We still need to intensify our campaign to raise awareness and raise funds for polio. By doing these together, we can end polio now,” sabi naman ni Ms Mary Anne Alcordo Solomon, Rotary International Zone 10A (Philippines) End Polio Now Coordinator.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.