Wreckage ng Cessna plane natagpuan na sa Albay; wala ang piloto, mga pasahero

0
244

Legazpi City, Albay. Nakita na ang mga labi ng Cessna aircraft 340 matapos ang mahigit 32 oras na search and rescue operations ngunit hindi nakita sa lugar ang mga pasahero nito.

Nawawala ang eroplano noong Sabado, sa Camalig, Albay dakong alas-3 ng hapon. sa Linggo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo Jr. na ang aircraft na may tail number na RP-C2080 ay na bumagsak sa itaas na bahagi ng Bgy. Quirangay sa kahabaan ng Anoling gulley, na wala pang dalawang kilometro ang layo mula sa Forest Rangers Incident Command Post ng local government unit.

“Pilot Capt. Rufino James T. Crisostomo Jr., crew Joel G. Martin, and two Australian passengers, Simon Chipperfield and Karthi Santanan have yet to be found,” ayon kay Baldo

Nakatutok ngayon ang mga awtoridad sa isinagawang search and rescue operations sa lugar ng Mayon Volcano upang hanapin ang apat na sakay ng bumagsak na Cessna plane 340 sa gilid ng bulkang Mayon na tinatayang nasa 350 meters ang distansya mula sa crater nito o nasa 6,500 above feet.

Ayon kay Camalig, Albay Mayor Carlos Irwin Baldo Jr., sa nasa alert level 2 na Mayon Volcano na bukod sa nasa alert level 2 ang Mayon Volcano ayon sa ipinalabas na report Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at masama rin ang panahon kahapon (Lunes), ngunit magpapatuloy ang paghahanap sa apat na sakay ng eroplano.

Nakipag tulungan na rin ang Energy Development Corporation sa lokal na pamahalaan ng Camalig at sa mga ahensya ng gobyerno sa paghahanap at pagsagip sa mga sakay nito.

“Hindi natin inaalis ang possibility na baka sumabay ang body ng mga sakay ng eroplano doon sa tubig na galing sa Mayon. Siguro pabalik ng Manila. Hindi po natin alam kung bakit napunta doon sa may crater ng Mayon,” ayon pa rin sa alkalde.

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) noong Sabado na nawalan ng kontak ang Bicol International Airport air traffic controllers sa Cessna 340 airplane (Caravan) aircraft na may registry number RP-C2080 na umalis ng Bicol International Airport dakong 6:43 a.m.

Huling na-kontak ng Air traffic controllers aircraft bandang 6:46 a.m. kung saan nasa gilid ito ng Camalig Bypass Road sa taas na 2,600 talampakan.

Inaasahang lalapag sana ang nabanggit na eroplano sa Manila bandang 7:53 ng umaga.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.