WW2 bombs nakuha ng PNP sa Rizal

0
662

Baras, Rizal. Nakuha ng Rizal PNP ang tatlong bomba na ginamit noong Word War ll sa dalawang bayan ng Rizal noong Lunes, Mayo 16, 2022.

Ayon kay Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang dalawang Unexploded Explosive Ordnance (UXO) ay natagpuan sa Sitio Kapatagan, Brgy. Pinugay, Baras, Rizal ng anak ng isang magsasaka habang nagpuputol ng puno ng saging.

Samantala, isa pang vintage bomb ang natagpuan naman sa isang bakanteng lote sa Pulang Lupa, Buntong Palay, Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal ng isang grab driver na agad nagreport sa San Mateo Municipal Police Station.

Ang mga bomang narekober ay dalawang 81mm mortar at isang 80mm round mortar, ayon kay PCol Baccay.

Nagpapaalala ng PNP sa mga mamamayan na huwag mag-atubili na ipagbigay alam agad sakaling may matatagpuan na kahina-hinalang bagay upang makaiwas sa mga panganib na maaaring idulot nito.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.