Youth Entrepreneurship Seminar isinagawa ng DTI-Laguna, LYDO-LB

0
328

Los Baños, Laguna. Nagsagawa ng libreng seminar na dinaluhan ng 35 aspiring youth entrepreneurs ang Department of Trade and Industry Laguna (DTI-Laguna) sa pamamagitan ng Negosyo Center Los Baños (NCLB) at sa inisyatiba ng Local Youth Development Office–Los Baños (LYDO-LB). 

Nakibahagi dito ang Sangguniang Kabataan at mga kinatawan mula sa iba’t ibang barangay. Sa temang “Business Opportunities for the Youth Amidst Pandemic,” binigyang-diin ng seminar ang mahalagang papel ng mga negosyo sa pag-unlad ng kabataan at manggagawa sa panahon ng krisis. Kabilang dito ang mix lecture, open forum at mga testimonial sa pamamagitan ng interactions sa mga kalahok. Ang talakayan ay umiikot sa mga paksang sa starting a business, available business opportunities at marketing strategies.

Ang pagsasanay ay bahagi ng pangako ng DTI-Laguna na ipagpatuloy ang pagbibigay ng serye ng komprehensibong tulong sa mga naghahangad na mga batang negosyante at isulong ang patuloy na pagpapabuti sa mga MSME. Layunin din nitong mapataas ang kamalayan ng mga organisasyon ng kabataan tungkol sa mga serbisyo ng DTI sa pamamagitan ng Negosyo Center.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.