SAN PABLO CITY, Laguna. Arestado ang isang babae matapos mahulihan ng halos ₱2 milyon na halaga ng pekeng sigarilyo sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad noong Biyernes, Nobyembre 24 sa lungsod na ito.
Ayon kay Police Lt. Col. Vicente Cabatingan, hepe ng San PAblo City Police Station, ang 49-anyos na babaeng suspek na hindi pinangalanang ay nasakote sa Barangay Concepcion, sa ilalim ng sa nasabing operasyon.
Ayon sa ulat ni Cabatingan na nakumpiska sa suspek ang kahon-kaho ng pekeng sigarilyo na pinaniniwalaang mga Chinese national ang supplier nito.
Sasampahan ng kaso ng paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines ang suspek at mananatiling bukas ang imbestigasyon ang insidenteng ito.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.