₱3.9M halaga ng shabu nakumpiska: 2 high-value individuals, arestado

0
204

LUCENA CITY, Quezon. Sa isinagawang operasyon ng pulisya noong Martes ng gabi, Agosto 15, nailabas ang ₱3.9 milyon halaga ng pinaniniwalaang shabu at naaresto ang dalawang high value individuals na nasa listahan ng mga wanted, sa Purok Damayan 1, Brgy. Ibabang Iyam dito.

Kinilala ni Quezon police director Col. Ledon Monte ang mga inarestong suspek na sina Angelo Tongo at Judel Gutlay.

Kasama sa nakuha mula sa mga suspek ang 13 sachet ng ipinasususpetsang shabu na may timbang ng 196 gramo at nagkakahalaga ng ₱3,998,400. Kinumpiska din ang isang motorsiklo na hinihinalang ginagamit sa pangangalakal ng iligal na droga.. 

Kasalukuyan nasa pangangalaga ng Lucena City police ang dalawang suspek. Nakatakda silang humarap sa ang mga paratang ng paglabag sa RA 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Quezon police sa mga komunidad upang mapigilan ang paglaganap ng mga ilegal na droga. Bawat tagumpay ng aming operasyon ay nagpapakita ng aming masusing kampanya para sa isang ligtas, mapayapa, at malinis na komunidad,” ayon kay Monte.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.