₱4 milyong halaga ng pekeng sigarilyo, nakumpiska sa Laguna

0
270

San Pablo City, Laguna. Nasamsam mula sa isang Chinese national ang mga smuggled na pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng halos PhP 4 milyon sa isang entrapment operation sa Brgy. Del Remedios lungsod na ito sa Laguna noong Miyerkules, Marso 1. 

Kinilala ng PRO CALABARZON Regional Director, PBGEN Jose Melencio C Nartatez, Jr. ang suspek na si Xinglong Zhang, 34-anyos. 

Dinakip si Xinglon ng Regional Intelligence Division Regional Special Operation Unit 4-A matapos itong magbenta ito ng mga kahon ng pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱50,000 sa isang poseur-buyer.

Narekober ng pulisya na 184 na kahon ng iba’t ibang klase brand ng sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱3,741,000 at cash money na ₱205,000.

Nakatakdang humarap ang suspek sa City Prosecutor sa San Pablo City sa kasong paglabag sa Article 189 ng Revised Penal Code (RPC) violation of R.A 7394 (Consumer Act of the Philippines, R.A. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines), at R.A 1937 Tariff and Customs Code of the Philippines.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.