25 lugar sa Pilipinas, makararanas ng matinding init

0
103

Nagbabala ang PAGASA sa malupit na heat index na humigit-kumulang na 25 na lugar sa bansa ngayong Martes, Abril 23, 2024.

Sa pinakabagong bulletin ng PAGASA Heat Index, maaaring maranasan ang temperaturang 42°C hanggang 46°C sa mga sumusunod na lugar:

  • NAIA Pasay City, Manila — 42°C
  • Science Garden, Quezon City — 42°C
  • Dagupan City, Pangasinan — 44°C
  • Bacnotan, La Union — 43°C
  • Aparri, Cagayan — 44°C
  • Tuguegarao City, Cagayan — 43°C
  • Echague, Isabela — 43°C
  • Iba, Zambales — 42°C
  • Clark Airport, Pampanga — 42°C
  • Baler, Aurora — 42°C
  • Sangley Point, Cavite — 42°C
  • Infanta, Quezon — 45°C
  • San Jose, Occidental Mindoro — 42°C
  • Puerto Princesa, Palawan — 45°C
  • Aborlan, Palawan — 45°C
  • Legazpi City, Albay — 43°C
  • Virac, Catanduanes — 44°C
  • Masbate City, Masbate — 46°C
  • Juban, Sorsogon — 43°C
  • CBSU-Pili, Camarines Sur — 45°C
  • Mambusao, Capiz — 42°C
  • Iloilo City, Iloilo — 43°C
  • Dumangas, Iloilo — 43°C
  • Catarman, Northern Samar — 44°C
  • Guluan, Silangang Samar — 44°C

Sa Baguio City, Benguet, maaaring maramdaman ang pinakamababang antas ng heat index sa 28°C, habang sa BSU, La Trinidad, Benguet ay 29°C.

Ang mga lugar na may mataas na heat index ay maaaring magdulot ng heat cramps at heat exhaustion, pati na rin ng heat stroke, kaya inirerekomenda ng PAGASA ang limitadong aktibidad sa labas, tamang pag-inom ng tubig, at pagsusuot ng preskong damit upang maprotektahan ang sarili laban sa mga epekto ng matinding init.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.