Oil price hike bukas: P0.40 sa gasolina, P1.50 sa diesel

0
243

Matapos ipatupad ang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo noong nakaraang linggo, muling babawi ang mga oil company sa bansa sapagkat muling magpapatupad ang mga ito ng oil price hike bukas, Martes.

Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P0.40 sa kada litro ng gasolina, P1.50 sa kada litro ng diesel, at P1.25 sa kada litro naman ng kerosene epektibo alas 6 bukas ng umaga.

May dagdag presyo din sa mga produktong petrolyo sa pareho ding halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na magiging epektibo alas-12:01 ng madaling araw at CleanFuel na magiging epektibo naman alas 4:01 bukas ng hapon.

Ang ipapatupad na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay itinulak ng patuloy na paggalaw ng presyo nito sa world market.

Matatandaan na noon lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng bawas sa mga presyo ng produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.70 sa kada litro ng gasolina, P1.30 sa kada litro ng diesel, at P1.80 sa kada litro naman ng kerosene.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo