Bukas ang Manila Cathedral sa mga lenten pilgrims

0
337

Iniimbitahan ng Minor Basilica of the Immaculate Conception ang publiko na bisitahin ang katedral ngayong season, ayon sa isang post sa social media ng pangunahing Simbahang Romano Katoliko sa Pilipinas kanina.

“Welcome home, Pilgrims! As Lenten pilgrimages begin, we welcome all of you to the Manila Cathedral, the Mother Church of our country. We hope that your visit to our Cathedral will truly be a spiritual experience to prepare ourselves for the worthy celebration of the Paschal Mystery of our Lord,”ang sabi nito.

Ipinabatid din ng Manila Cathedral na naghanda sila ng iba pang religious activities na may kinalaman sa lenten season.

“You can venerate the Relic of the True Cross of our Lord Jesus Christ which we will expose to the public for the Lenten season. You can pray at the Stations of the Cross around the Cathedral. We have opened the Adoration Chapel of the Cathedral for quiet personal prayer,” ayon pa rin advisory.

Para sa mga nais mangumpisal, ang Sakramento ng Kumpisal ay bukas mula Lunes hanggang Sabado, 10 ng umaga hanggang 12 ng tanghali.

Hinikayat din nito ang mga tao na magsindi ng votive candles sa harap ng imahe ng Immaculate Mother, ang principal patroness ng Manila Cathedral at ng buong Pilipinas.

Nagsimula ang pagdaraos ng 40-araw na Kuwaresma noong Ash Wednesday na pumatak noong Pebrero 22 at magtatapos sa Abril 9 (Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay).

Para sa taong ito, ang Semana Santa ay mula Abril 2 (Linggo ng Palaspas) hanggang Abril 9.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.