SC: BGC sakop ng Taguig

0
526

Ikinagalak ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang final na desisyon ng Supreme Court (SC) na nagpapahayag na bahagi na ng Taguig ang Bonifacio Military Reservation (BMR), na kinabibilangan ng Bonifacio Global City (BGC).

Ayon sa SC, hindi na maaaring iapela ang kaso dahil sa ipapasok na ito sa Book of Entries of Judgments.

Noong nakaraang taon, parehong inaangkin ng lungsod ng Taguig at Makati ang jurisdiction ng BMR, ngunit pumabor sa Taguig ang SC Third Division.

Sa isang pahayag, ikinatuwa ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang desisyon ng Korte Suprema at ito ay itinuturing nilang simula ng bagong kabanata para sa kanilang mga mamamayan.

Sinabi rin nila na hindi lamang ito isang panalo para sa kanila, kundi ito rin ay isang utos upang magamit nila ng tama ang oportunidad na sa pagpapalawak ng kanilang serbisyo sa publiko.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo