Sapat ba ang teknolohiya upang epektibong magturo? Mga aral mula sa PIDS

0
607

Sa husay at lalim ng mga pagtalakay na pinangunahan ng mga mananaliksik mula sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS) at Innovations for Poverty Action (IPA) noong ika-27 ng Hulyo 2023, hayaan ninyong ibahagi ko rito ang webinar nilang pinamagatang “Transforming Education in the Philippines: Insights and Innovations.”

Mismong si Dr. Aniceto Orbeta Jr., pangulo ng PIDS, ang nagbahagi ng isang pag-aaral hinggil sa tatlong sub-sektor ng edukasyon (basic ed, higher ed, at technical and vocational ed and training), pagtingin sa kalagayan nila, mga hamon at rekomendasyon. Isa pang pag-aaral ang ibinida sa araw na iyon – ang mEducation – na inalam kung gaano kaepektibo ang paggamit ng mobile phone-based instruction sa higit 3,400 kabahayan na may mga batang nasa mga baitang 3 at 4 noong kasagsagan ng pandemiyang COVID-19 na may layong paunlarin ang pagkatuto. Tinalakay ito ni Youth Impact Co-founder Dr. Noam Angrist na isa ring University of Oxford Senior Fellow. (Paumanhin kung may pag-aaral at detalyeng hindi mababanggit dahil sa interes ng espasyo.)

Sa “Building Resilient Education Systems: Cost-effective Mobile Tutoring in the Philippines and Beyond,” sinabi ni Angrist na meron mga epektong katumbas ng isang taong “high quality schooling per USD 100” sa Botswana ang SMS at tawag sa telepono kung saan nakasuporta ang mga magulang sa kanilang mga anak. May mga pangmatagalang implikasyon ang teknolohiya (kahit low-tech) at ang mga magulang para isulong ang edukasyon sa kabila ng pagkakaantala sa mga paaralan. Tinukoy din niya sa pag-aaral ng limang bansa – Botsawana, Kenya, Nepal, India, at Pilipinas – ang ilan sa mga di-mamahaling pero epektibong edtech at “pedagogy interventions.” May pagkatuto pa rin (nasa positibong puntos) sa SMS at tawag, kaysa sa wala, at iyon daw ang mahalaga. Tinatayang nasa USD 12 o Php 650 kada bata ang gastos dito. Kapag walang intervention, mababa ang pagkatuto, ngunit mataas naman ito kung gamit ang programang SMS + Phone Call Tutoring batay sa datos na pinakita ni Angrist na nakadepende sa bahagdan ng mga mag-aaral na sumagot nang tama sa mga operasyong pangmatematika.

Sa mEducation, may mga positibong epekto rin daw katulad ng sa pagsusumikap, sa ambisyon, at sa pagsasaya sa paaralan. Doon sa mga kabahayang hindi naabot ng programa, maraming caregiver (nasa 97%) ang nagsabing interesado silang makatanggap ng mga tutorial mula sa tawag sa telepono. Lahat naman halos ay may mga hawak na telepono, depensa ni Angrist sa dami ng interesado.

Bagamat may bagyo (typhoon “Rai”) noong Disyembre 2021 na gumulo sa pagkatuto sa 2 milyong bata at sumira ng 4,000 silid-aralan, meron namang ConnectEd na nakatulong umano para “may pagkatuto pa rin”, kaysa wala. “ConnectED proved feasible and effective (as) learning increased by 0.23 SD with phone tutoring compared to control in typhoon-affected areas,” banggit ni Angrist sa bandang dulo ng kanyang presentasyon kung saan dinala niya ang mga lumahok sa kontekstong pawang normal lamang na may mga emergency sa edukasyon sa mga datos noong 2002-2022 sa 29 na bansa gaya ng lindol, walang tubig, foot and mouth disease, swine flu, ebola, baha, halalan, smog, polusyon sa hangin, pagputok ng bulkan, at monsoon rains.

Tanong ni Orbeta: “What do enrollment by learning modality and household characteristics tell us?”

Sa kanilang pag-aaral, gumamit sila ng regression analysis upang matantya ang kaugnayan ng merong internet sa bahay at broadband na makapagpapaliwanag umano kung available ba ang internet sa bahay. Gamit ng pag-aaral ang 2020 Annual Poverty Indicators Survey at kabilang sa datos ang iba’t ibang teknolohiya para masabing naroroon ang learning modalities (e.g., internet access, TV, radio, and cell phone), pati bilang ng mga batang mag-aaral (enrollment) sa level at klase ng paaralan.

Nagkaroon ng pagbabawas o streamlining ng K-to-12 curriculum sa 14,171 competencies na naging 5,689 na lamang o bawas ng 60%. Sang-ayon pa rin sa datos noong 2020, naglunsad ng face-to-face sa mga lugar na may kaunting panganib; distance learning mapa-print, online, TV, at radyo; blended learning o pinaghalong face-to-face at distance learning; at ang pang-apat, homeschooling sa ilalim ng DepEd Order 12).

Noong 2022-23, mas marami raw ang naka-F2F na mga mag-aaral sa pampublikong paaralan kaysa pribado; mas maraming nasa blended mode kapwa publiko at pribado; bumaba sa single digits ang bahaging online mode sa mga pribadong paaralan; at isa sa sampung pampublikong paaralan ay meron pa ring mga modyul na nakalimbag.

Mas mataas ang bilang ng mga mag-aaral sa pribadong paaralan na nakagagamit ng internet, kaysa sa mga pampublikong paaralan.

Pinahalagahan ni Orbeta ang suporta sa pamamahay. Part of his bullet points: “Quality of home is affected by the availability and the ability of parents to support their children’s education needs (i.e., level of parent’s education); quality is lower among children in more impoverished families.”

Orbeta’s recommendations/insights: “(1) Online mode of learning will not reach most public-school students. Even if made available in public school, most students do not have access to it at home. The desire to build online learning capacity in public schools will not be the most effective intervention at present;

“(2) Primary and exigent concern is to support learning of the most popular mode – printed modules. As the most popular mode of learning, it is critical to support printed modules. Support may include provision of cell phones and cell phone load to improve interaction among teachers, students, and parents.

“(3) Education delivery through TV and radio needs to be improved. Despite high proportion of households owning TV and radio, enrollment data by modality does not show commensurate use of these modes of delivery. Issues that prevent greater use of these broadcast modalities need to be identified and addressed.”

Discussant sa webinar si Dr. Karol Mark Yee, Executive Director ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2). Pinansin niya ang hindi paglikha ng isang Center for Leading Edge Educational Technologies para isulong ang pangarap sa edukasyon – mga abot-kayang teknolohiya. Nagpaulit-ulit ang paghingi ng papeles at datos sa mga gurong dapat sana’y nakapokus lamang sa pagtuturo dahil umano sa hindi rin paglikha ng mga tanggapan/ahensya para sa education statistics, national testing and evaluation (ilan sa mga hindi naisakatuparang rekomendasyon noon).

Pagbati

Sa tagubilin ng Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, pinangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto 1-31. Akma at napapanahon ang tema ngayong 2023, “Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” Maligayang Buwan ng Wika.

Author profile
DC Alviar

Professor DC Alviar serves as a member of the steering committee of the Philippine International Studies Organization (PHISO). He was part of National University’s community extension project that imparted the five disciplines of a learning organization (Senge, 1990) to communities in a local government unit. He writes and edits local reports for Mega Scene. He graduated with a master’s degree in development communication from the University of the Philippines Open University in Los Baños. He recently defended a dissertation proposal for his doctorate degree in communication at the same graduate school under a Philippine government scholarship grant. He was editor-in-chief of his high school paper Ang Ugat and the Adamson News.