LAUREL, Batangas. Sumabog ang isang granada na itinapon umano sa isang terminal ng mga bus sa bayang ito sa Batangas, mga bandang 3:30 ng madaling-araw nitong Linggo, Setyembre 10.
Ayon sa ulat ng Batangas PNP-PIO, walang naiulat na nasugatan o namatay sa pangyayaring ito, ngunit siyam na mga bus na nakaparada roon ang mga minor na napinsala dulot ng insidente.
Sa kasalukuyan, patuloy ang kooperasyon ng mga awtoridad sa pamunuan ng nasabing terminal para sa pagpapatupad ng imbestigasyon at pagtukoy sa hindi pa kilalang suspek.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo