Pumirma sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Amir ng Qatar Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani sa siyam na kasunduan sa Malakanyang.
Isa sa mga pangunahing kasunduan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Qatar upang palakasin ang ugnayan at bilateral cooperation sa paglaban sa human trafficking.
Napagkasunduan ng dalawang bansa na magtulungan upang labanan ang human trafficking sa pamamagitan ng pagpapalakas ng advance labor protection, pagpapalitan ng kaalaman sa legislation, at pag-aaral para sa pampublikong kamalayan tungkol sa isyung ito.
Kasama rin sa pinirmahang MOU ang mutual recognition of seafarers certificate upang ipatupad ang mga probisyon ng International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW Convention) ng 1978.
Bukod dito, nilagdaan din ang kasunduan para sa kooperasyon at komunikasyon sa pagitan ng sports federation, kung saan itatakda ang programa ng kooperasyon sa larangan ng sports, turismo, at mga negosyo na batay sa mutual benefits at naaayon sa mga patakaran at regulasyon na umiiral sa Pilipinas at Qatar.
Si Sheikh Tamim ay nasa bansa para sa dalawang araw na state visit matapos na imbitahan siya ni Pangulong Marcos. Ang paglagda sa mga kasunduang ito ay nagpapakita ng malalim na ugnayan at pakikipagtulungan sa pagitan ng Pilipinas at Qatar sa iba’t ibang larangan ng interes para sa dalawang bansa.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo