Pangandaman: Bilisan ang paglalabas ng guidelines para sa dagdag-sahod

0
235

MAYNILA. Inatasan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) na madaliin ang paglalabas ng pinal na guidelines para sa pagtaas ng sahod ng mga government workers. Ang kautusan ay ginawa ni Pangandaman matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 64.

“I already instructed our concerned DBM officials to swiftly complete the guidelines for the approved salary increase,” pahayag ni Pangandaman.

Pinasalamatan ni Pangandaman si Pangulong Marcos sa paglagda sa EO na nag-uutos sa pagpapatupad ng Salary Standardization Law (SSL) VI. Ayon sa kanya, aapurahin nila ang pagpapatupad ng guidelines upang masimulan na ng mga empleyado ng gobyerno ang unang bahagi ng salary increase ngayong 2024.

Ipinaliwanag ni Pangandaman na ang salary increase ay hindi lamang para sa kasalukuyang taon kundi retroactive din. “Ang computation po para sa initial tranche natin ay retroactive to January 1, 2024, so merong salary differential or back pay,” dagdag pa niya.

Inanunsiyo rin ni Pangandaman na ang salary increase ay napondohan hindi lamang para sa 2024 kundi hanggang 2025. “We can look forward to another round of salary increases with the implementation of the second tranche of SSL VI next year. The DBM has earmarked P70 billion under the FY 2025 MPBF (Miscellaneous Personnel Benefits Fund) to cover the additional cost requirements for both the first and second tranches of SSL VI, with the latter taking effect on January 1, 2025,” giit ng kalihim.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo