MAYNILA. Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makakalusot ang panukalang Comprehensive Sexuality Education (CSE) na isinusulong sa Senado.
Sa isang ambush interview sa Taguig City, binanatan ng Pangulo ang kasalukuyang anyo ng panukala, na tinawag niyang nakakakilabot at nakakatawa. Ayon kay Marcos, ang kanyang naunang pahayag na pabor siya sa pagtuturo ng sex education sa mga bata ay batay lamang sa kanyang pagkaunawa na ito ay tumutukoy sa anatomy.
“I was talking about sex education, I remembered our sex education when I was in school. At ang itinuro sa amin ay anatomy. What are, what is the anatomy of male and female, reproductive systems. Naalaala ko pa, nanood kami ng video ng mga cell na nagdi-divide para maging baby. ‘Yun ang tinuro sa amin, kailangan talagang malaman ng mga kabataan iyan,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Subalit, sa kanyang pagbabasa ng Senate Bill 1979 noong nakaraang weekend, nagulat siya sa ilang mga probisyon ng panukala, partikular ang paglalatag ng pagtuturo sa mga batang apat na taon gulang tungkol sa masturbation at ang karapatan ng mga bata na magbago ng sekswalidad.
“This is ridiculous, this is abhorrent. This is a travesty of what sex education should be to the children. What about the parents? Wala na silang karapatan na sila ang mag-decide kung ano at kailan tuturuan ‘yung bata,” dagdag pa ni Marcos.
Nanindigan ang Pangulo na, “We all, I’m a parent and I’m a grandparent. So I feel very strongly about this. So let me be very, very clear. I still believe that sex education in terms of teaching kids the anatomy, of the reproductive systems of males and females is extremely important. Consequences of early pregnancy. The prevalence of HIV. Kailangan ituro lahat ‘yan para alam ng mga kabataan.”
Dahil dito, inihayag ni Pangulong Marcos na maglalabas siya ng veto kung hindi mababago ang nasabing panukalang batas.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo