Mas pinabilis na padala! Real-time Remittances mula US at Canada, Pwede na sa GCash

0
45

MAYNILA. Mas mabilis at mas maginhawa na ngayon ang pagpapadala ng pera sa Pilipinas matapos makipagsanib-pwersa ang GCash, ang nangungunang fintech platform sa bansa, sa Viamericas, isang Florida-based remittance company. Sa ilalim ng bagong kasunduan, maaari nang magpadala ng real-time remittances mula sa US at Canada diretso sa GCash accounts ng mga Pilipino.

Ayon kay Paul Albano, general manager ng GCash International, layunin ng partnership na ito na palakasin ang kakayahan ng overseas Filipino workers (OFWs) na makapagpadala ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay nang mas mabilis at ligtas.

“Binibigyang-kakayahan ng partnership na ito ang OFWs na magpadala ng ligtas at mabilis na remittances, na nagpapalakas ng kanilang kontrol sa pananalapi at koneksyon sa kanilang mga mahal sa buhay,” ani Albano.

Samantala, binigyang-diin naman ni Joseph Argilagos, co-founder at executive chairman ng Viamericas, na malaki ang naitutulong ng kanilang serbisyo upang mapadali ang pagpapadala ng pera para sa mga Pilipino sa North America.

“Tugma ito sa aming misyon na magbigay ng abot-kaya, maaasahan, at madaling ma-access na serbisyong pampinansyal,” ayon kay Argilagos.

Sa pamamagitan ng malawak na network ng Viamericas sa North America, mas pinadali ang financial transactions ng mga Pilipino saan man sila naroroon. Sa Pilipinas naman, 81% ng populasyon ang gumagamit ng GCash, na nagbibigay sa kanila ng access sa iba’t ibang financial services at produkto.

Mas mabilis, mas ligtas, at mas abot-kayang remittance para sa bawat Pilipino!

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.