Anak ng vendor at PWD, top 1 sa PMA Class 2025

0
64

MAYNILA. Gumawa ng kasaysayan ang 23-anyos na si Cadet First Class Jessie Ticar Jr. matapos niyang maging valedictorian ng Philippine Military Academy (PMA) Siklab Laya Class of 2025. Anak ng isang vendor at Person with Disability (PWD), nakamit ni Ticar ang pinakamataas na Grade Point Average (GPA) na 9.52 percent, isang pambihirang tagumpay sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Si Ticar ay ikaapat na kadete sa kasaysayan ng PMA na nakatanggap ng summa cum laude status. Ang mga naunang nakatanggap nito ay sina Cavalier Artus noong 2021 na may grade na 9.51, Cavalier Gaerlan noong 1995 na may 9.38, at Cavalier Lorenzo noong 1997 na may 9.32.

Ayon sa mga ulat, si Ticar ay bunso sa tatlong magkakapatid. Ang kanyang ina ay isang vendor na nagtitinda ng ballpen at envelope sa Quezon City, habang ang kanyang ama ay isang dating taxi driver na ngayon ay isang PWD dahil sa sakit.

Bilang valedictorian ng Class 2025, tatanggap si Ticar ng siyam na medalya, kabilang ang Presidential Saber, JUSMAG Saber, Tactics Group Award, Natural Sciences Plaque, Army Professional Courses Plaque, Army Saber, Australian Defense Best Overall Performance Award, Gen. Antonio Luna Award, at Humanities Plaque. Ang kanyang pagtatapos ay itinakda sa Mayo 17, kung saan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magbibigay ng Presidential Saber.

Ang PMA Class of 2025 ay binubuo ng 212 lalaki at 54 babae, na magsisilbing mga bagong lider ng Armed Forces of the Philippines.

Author profile
Paraluman P. Funtanilla
Contributing Editor

Paraluman P. Funtanilla is Tutubi News Magazine's Marketing Specialist and is a Contributing Editor.  She finished her degree in Communication Arts in De La Salle Lipa. She has worked as a Digital Marketer for start-up businesses and small business spaces for the past two years. She has earned certificates from Coursera on Brand Management: Aligning Business Brand and Behavior and Viral Marketing and How to Craft Contagious Content. She also worked with Asia Express Romania TV Show.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.