37,000 pulis ipapakalat para sa pasukan sa Hunyo 16

0
52

MAYNILA. Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng 37,000 pulis sa buong bansa para tiyakin ang seguridad sa pagbubukas ng School Year 2025–2026 sa Hunyo 16. Ayon sa PNP, 5,000 pulis ang itatalaga sa police assistance desks sa mga paaralan, habang ang iba pa ay magiging mobile at foot patrollers upang magbantay sa paligid ng mga paaralan.

Sa Northern Mindanao, pinaigting din ang seguridad sa mga pampublikong lugar para mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang anumang banta sa kaligtasan ng mga estudyante at guro.

Ang school year ay tatagal hanggang Marso 31, 2026, bilang bahagi ng pagbabalik sa dating school calendar bago ang pandemya.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.