Bato binatikos sa pag-share ng AI video

0
56

MAYNILA. Umani ng matinding batikos si Senator Ronald “Bato” dela Rosa mula sa mga netizen matapos niyang i-share sa kanyang Facebook page ang isang AI-generated video na kumokontra sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ang nasabing video, na unang lumabas sa page na AY GRABE!, ay nagpapakita ng dalawang lalaking estudyanteng tila ini-interview habang tinutuligsa ang impeachment proceedings laban kay VP Duterte. May caption ito na may hashtag na #AI.

Ibinahagi umano ni Dela Rosa ang video sa kanyang personal na FB page at nilagyan ito ng caption na: “Mabuti pa ang mga bata nakakaintindi sa mga pangyayari. Makinig kayo mga yellow at mga komunista!”

Kahit pa pinansin ng mga netizen na malinaw na produkto ito ng artificial intelligence, nanatili pa rin ang video sa kanyang account. Hindi rin ito binura ng senador.

Kalaunan ay nilagyan ng Facebook ang video ng label na “False information. Reviewed by third-party fact checker,” at pansamantalang tinakpan ito para babalaan ang mga manonood hinggil sa maling impormasyon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.