Manipestasyon ng kamara sa impeachment ni VP Sara, natanggap na ng Senado

0
441

MAYNILA. Natanggap na ng Senado ang manipestasyon at mga dokumento mula sa Kamara kaugnay ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Pasado ala-una ng hapon kahapon nang ihain sa impeachment court ang dalawang pleadings ng House prosecution team, kabilang na ang muling pagsusumite ng “entry of appearance” o listahan ng mga itinalagang prosecutors.

Nakasaad sa manipestasyon na walang nilabag na batas ang Kamara sa pagpasa ng verified impeachment complaint na kanilang inendorso sa Senado.

Matatandaang kinuwestiyon ng impeachment court ang posibleng paglabag sa “one-year bar rule” matapos ihain ang ika-apat na impeachment complaint laban kay VP Sara.

Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, kahit natanggap na ng Senado ang certification mula sa Kamara, wala pa ring magiging aksiyon ang impeachment court hanggang sa pagbubukas ng 20th Congress sa Hulyo 28. Aniya, may isa pang kinakailangang isumiteng compliance ang Kamara bago makapagsimula ang proseso.

Tinututukan ngayon ng Senado kung itutuloy pa rin ng 20th Congress ang pagtalakay sa impeachment case laban sa Pangalawang Pangulo.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo