MAYNILA. Magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis simula bukas, Martes, Hulyo 15, 2025.
Ayon sa anunsyo ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp., ang presyo ng gasolina ay tataas ng ₱0.70 kada litro, habang ang diesel ay madaragdagan ng ₱1.40 kada litro. Samantala, ang kerosene naman ay magkakaroon ng dagdag na ₱0.80 kada litro.
Epektibo ang bagong presyo simula 6:00 ng umaga bukas.
Batay sa ulat ni Mao dela Cruz ng Super Radyo dzBB, ang nasabing pagtaas ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Pinapayuhan ang mga motorista na maghanda sa inaasahang taas-presyo ngayong linggo.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





