LPA naging bagyong Dante – PAGASA

0
894

MAYNILA. Naging ganap na Tropical Depression Dante ang isa sa tatlong Low Pressure Area na binabantayan sa silangan ng Aurora.

“At 2 p.m. today, the low-pressure area east of Aurora developed into Tropical Depression #DantePH,” anang update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon.

Si Dante ang ikaapat na bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong taon.

Bukod kay Dante, may dalawa pang LPA na binabantayan na posibleng maging bagyo kaya pinag-iingat ang mamamayan.

Ang isa pang LPA ay tinatayang nasa 155 km naman ng east southwest ng Basco, Batanes habang ang southwest monsoon o habagat ay patuloy pa ring nakakaapekto sa bansa.

Samantalang ang isa pang LPA na binabantayan ay nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at nasa 2,850 km silangan ng Eastern Visayas.

Sa kasalukuyan, maraming lugar sa bansa ang nakakaranas pa rin ng malalakas na pag-ulan dulot ng habagat at LPA.

Samantala, ang bagyong Crising na nagdulot ng malawakang pagbaha ay umalis na sa bansa.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo