TRB, inisyuhan ng show cause order ang NLEX Corp. dahil sa pagbaha

0
487

MAYNILA. Inisyuhan ng Toll Regulatory Board (TRB) ng show cause order ang NLEX Corp., kaugnay ng malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway na nagdulot ng matinding abala at pagka-istranded ng mga motorista at commuter noong Hulyo 21.

Ayon sa kalatas ng Department of Transportation (DOTr) noong Sabado, Hulyo 26, ipinagpapaliwanag ng TRB ang toll operator kung bakit hindi ito dapat patawan ng administratibong parusa sa kabila ng naunang direktiba na paghandaan ang tag-ulan, partikular sa mga bahaging madaling bahain tulad ng Balintawak at Valenzuela.

Isa sa mga maaaring ipataw na parusa ay ang pagpapatupad ng toll holiday sa mga apektadong bahagi ng expressway, ayon pa sa DOTr.

Samantala, sinabi ng NLEX Corp. na nakapagsumite na ito ng tugon sa TRB noong Biyernes, Hulyo 25, at kasalukuyan silang “nasa mahigpit na koordinasyon sa aming mga regulator.”

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo