Sawa nagdulot ng abala sa pag-alis ni Pangulong Marcos patungong India

0
394

MAYNILA. Nagdulot ng kaunting abala ang isang sawa na lumutang sa Maharlika Lounge ng Villamor Air Base sa Pasay City, ilang oras bago umalis si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. patungo sa India kahapon ng umaga.

Ayon kay Philippine Air Force (PAF) commander Lieutenant General Arthur Cordura, nakita ang sawa na nagkubli sa mga halaman, ilang metro lamang ang layo mula sa eroplanong sasakyan ng Pangulo. Habang sinusubukang hulihin, tinuklaw ng ahas sa daliri ang isang sundalo at pumulupot pa sa kanyang paa bago ito naisako.

Patuloy na nagsasagawa ng pagsuyod ang mga awtoridad sa lugar upang hanapin ang posibleng pinagtataguan ng mga ahas. Ipinaliwanag ni Cordura na konektado ang drainage ng air base sa mga kalapit na lugar kung saan maaaring nagmula ang mga sawa, at nakapasok ito sa Villamor bunsod ng pagbaha mula sa sunud-sunod na ulan.

Dagdag niya, matagal nang may mga insidente ng pagkakita ng sawa sa lugar at gagawan ng paraan upang masigurong hindi na maulit ang ganitong pangyayari sa pamamagitan ng pagpapabuti ng mga hakbang sa seguridad laban sa pagpasok ng mga ahas.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo