Bagyong Podul posibleng pumasok sa PAR sa Linggo o Lunes ayon sa PAGASA

0
922

MAYNILA. Posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Linggo ng gabi o Lunes ng madaling-araw ang Tropical Storm Podul at tatawaging Gorio, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa weather bulletin na inilabas alas-5 ng hapon nitong Biyernes, sinabi ng PAGASA na huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 2,410 kilometro silangan ng extreme northern Luzon. May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna, pagbugsong hanggang 90 kph, at kumikilos pakanluran sa bilis na 15 kph.

Batay sa forecast, kikilos ang Podul sa west northwestward ngayong Biyernes hanggang Sabado, papwesteng direksyon mula Linggo hanggang Martes, at muling lilihis sa west northwestward sa mga susunod na araw.

Inaasahan ding lalakas ito at posibleng umabot sa severe tropical storm category pagsapit ng Sabado ng hapon.

Ayon sa PAGASA, may malaking posibilidad ng pagbabago sa tinatahak at lakas ng bagyo mula Lunes hanggang Miyerkules, depende sa anumang pag-angat o pagbaba ng direksyon na makaaapekto sa magiging tindi nito.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo