Mahigit 1.7M, nagparehistro para sa 2025 Barangay at SK Elections

0
316

MAYNILA. Umabot na sa 1,725,297 ang kabuuang bilang ng mga aplikante para sa voter registration sa 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), isang araw bago matapos ang itinakdang 10-araw na pagpaparehistro, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Mula Agosto 1 hanggang 9, anim na rehiyon ang nakapagtala ng mahigit 100,000 aplikasyon bawat isa, kung saan nanguna ang Calabarzon na may 217,386 rehistrante. Sumunod ang Central Luzon (180,305), Bicol Region (137,129), National Capital Region (129,943), Central Visayas (117,631), at Ilocos Region (115,080).

Samantala, naitala ng Cordillera Administrative Region ang pinakamababang bilang na may 32,369 aplikante. Naabot ng Comelec ang unang isang milyong target nito sa loob lamang ng limang araw mula nang magsimula ang pagpaparehistro.

Ang nationwide registration ay bilang paghahanda para sa BSKE na nakatakda sana sa Disyembre 1, ngunit ililipat sa Nobyembre 2026 habang hinihintay ang pirma ng Pangulo sa panukalang batas.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo