Magkakaibang galaw sa presyo ng langis, inaasahan sa susunod na linggo

0
275

MAYNILA. Inaasahan ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng magkakaibang galaw sa presyo ng produktong petrolyo sa darating na linggo.

Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, batay sa apat na araw ng trading, inaasahang tataas ang presyo ng gasolina ng humigit-kumulang P0.50 kada litro, habang bababa naman ang presyo ng diesel ng humigit-kumulang P0.70 kada litro at kerosene ng humigit-kumulang P1.00 kada litro.

Kabilang sa mga nakaapekto sa galaw ng presyo sa pandaigdigang merkado ng langis ay ang agresibong pagtaas ng supply mula sa OPEC+ na nagdulot ng pagtaas ng global inventory, mas mahinang demand outlook mula sa International Energy Agency (IEA), at ang pagluwag ng tensyon sa kalakalan sa pagitan ng US at China, ayon sa US Energy Information Administration (EIA) August Short-Term Outlook.

Nag-aanunsyo ang mga kumpanya ng langis ng opisyal na price adjustments tuwing Lunes na ipinatutupad kinabukasan. Noong Agosto 12, nagpatupad ang mga kompanya ng bawas-presyo na P0.40 kada litro sa gasolina, P1.50 sa diesel, at P1.30 sa kerosene.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo