MAYNILA. Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino sa lahat ng opisyal na transaksyon at komunikasyon ngayong pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto.
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2025-076, nanawagan ang DILG sa mga opisyal ng probinsya, lungsod, bayan, at barangay na magsagawa rin ng mga kaugnay na aktibidad upang hikayatin ang pakikilahok ng publiko at mas mapalalim ang pagpapahalaga sa pambansang wika.
Ngayong taon, ang Buwan ng Wikang Pambansa ay may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika, Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”
Mayroon din itong lingguhang tema:
- Agosto 10–16: Wikang Pangkasarian
- Agosto 17–23: Ang Pangangalaga sa Katutubong Wika at Kaalaman bilang Pangangalaga sa Kalikasan
- Agosto 24–30: Filipino at Wikang Katutubo, Wika ng Malayang Pamamahayag
Batay sa Executive Order No. 335, inaatasan ang mga ahensya ng pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang upang gamitin ang wikang Filipino sa opisyal na transaksyon, komunikasyon, at pakikipagsulatan.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





