Duterte defense team naghahanda para sa ICC hearing

0
273

MAYNILA. Naghahanda na ang defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa nakatakdang pagdinig sa International Criminal Court (ICC) sa susunod na buwan, ayon kay Vice President Sara Duterte.

Muling haharap ang dating pangulo sa ICC Pre-Trial Chamber 1 para sa confirmation of charges hearing na magsisimula sa Setyembre 23, kaugnay sa kasong crimes against humanity.

“Naghahanda sila para sa confirmation of charges. Maaaring narinig ninyo na, at ang ilan sa inyo ay maaaring nagpaplanong pumunta sa The Hague sa Setyembre 23 para sa confirmation of charges. Tapos, naghahanda na rin ang mga abogado,” pahayag ni VP Sara sa kanyang pakikipagpulong sa Filipino community sa Kuwait noong Agosto 15.

Dagdag pa niya, may panibagong dokumento ring ihahain sa ICC na pinaghahandaan ng mga abogado ng dating pangulo, bagama’t hindi niya idinetalye ang nilalaman nito.

Binanggit din ni VP Sara na una nang naghain ang kampo ni Duterte ng apela na kumukwestyon sa jurisdiction ng ICC, kaugnay sa hiling na interim release ng kanyang ama.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo