MAYNILA. Mula sa pagiging low-pressure area, lumakas at naging tropical depression ang bagyong Jacinto sa kanluran ng Subic Bay nitong Huwebes ng umaga, ayon sa PAGASA. Sa advisory ng ahensya, ganap itong naging tropical depression dakong 8:00 ng umaga at tinawag na Jacinto. Nakatakdang magsimula ang paglalabas ng tropical cyclone bulletins bandang alas-11:00 ng umaga.
Batay sa forecast, makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at ilang bahagi ng Central at Northeastern Luzon. Ayon sa PAGASA, posible ang flash floods at landslides dulot ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan. Ang trough ng bagyo at ang habagat ay magdadala rin ng pag-ulan sa Visayas, MIMAROPA, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga at Quezon.
Bagama’t wala pang nakataas na tropical cyclone wind signals, nagbabala ang PAGASA na maaaring maging maalong ang dagat sa kanlurang bahagi ng bansa. Dagdag pa rito, inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa susunod na oras habang patuloy na kumikilos sa direksyong West Philippine Sea.
Pinayuhan ng mga lokal na pamahalaan at ng NDRRMC ang mga residente, lalo na sa mababang lugar at kabundukan, na maging alerto laban sa pagbaha, pagguho ng lupa at posibleng aberya sa biyahe sa karagatan.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





