Turistang Pinoy namatay sa Hong Kong Disneyland

0
428

MAYNILA. Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado ang pagkamatay ng isang 53-anyos na Pilipinong turista sa Hong Kong.

Ayon sa ulat ng South China Morning Post, nawalan ng malay ang turista habang sakay ng isang ride sa Hong Kong Disneyland at kalaunan ay binawian ng buhay. Napag alaman na mayroon na siyang dating karamdaman.

Sinabi ng DFA na nakipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa Lantau Police at sa pamilya ng biktima upang magpaabot ng pakikiramay at tumulong sa pag-asikaso ng pag-uwi ng mga labi.

Dagdag pa ng DFA, patuloy ang koordinasyon sa mga lokal na awtoridad habang nirerespeto ang pribadong pagdadalamhati ng pamilya.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo