P6.793 trilyong 2026 national budget, isasauli ng Kamara sa DBM para sa rebisahin

0
449

MAYNILA. Inirekomenda kahapon ng ilang lider ng Kamara kay Speaker Ferdinand Romualdez na ibalik sa Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang P6.793 trilyong 2026 national budget matapos lumutang ang mga umano’y anomalya sa alokasyon ng pondo sa ilang ahensya.

Sa isang biglaang press briefing, sinabi ni Deputy Speaker Ronaldo Puno na napagdesisyunan nilang ibalik ang panukalang pondo upang muling ma-review at maisaayos.

Ayon sa mga mambabatas, natuklasan nila ang seryoso at paulit-ulit na anomalya sa preparasyon ng 2026 National Expenditures Program (NEP), partikular sa mga alokasyon para sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), at Department of Agriculture (DA).

Kabilang sa kanilang nadiskubre ang P881.3 bilyong budget ng DPWH, kung saan may mga proyekto na tapos na pero muling nilagyan ng pondo, magkakatulad na alokasyong tila “copy-paste,” dobleng budget para sa parehong proyekto, at sobrang laki ng lump sum allocations.

Iginiit ng mga mambabatas na ang mga “insertions” ay nagmula mismo sa ilang ahensya, ngunit ang Kongreso ang nasisisi dahil dumadaan sa kanilang deliberasyon ang pambansang pondo.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo