MAYNILA. Bahagyang lumakas pa ang bagyong Nando habang patuloy na kumikilos sa karagatang silangan ng Luzon, ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA nitong Biyernes ng madaling-araw.
Sa bulletin ng alas singko ng umaga, sinabi ng PAGASA na taglay na ni Nando ang lakas ng hanging umaabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso ng hanggang 90 kilometro kada oras. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Natagpuan si Nando dakong alas kuwatro ng umaga sa layong 1,075 kilometro silangan ng Gitnang Luzon.
Hindi ito inaasahang direktang makakaapekto sa panahon sa bansa sa susunod na 48 oras ang bagyo, ngunit posibleng maranasan ang malalakas na pag-ulan na dulot ni Nando at habagat simula Linggo, Setyembre 21, o Lunes, Setyembre 22.
“Wind Signal No. 1 will be hoisted over Northern Luzon as early as tomorrow (September 20), and the highest Wind Signal that may be hoisted throughout its passage is Wind Signal No. 5, considering that this tropical cyclone has a possibility to reach super typhoon category,” ayon sa PAGASA.
Inaasahang magdadala ng malalakas hanggang gale-force na bugso ng hangin ang habagat at trough si Nando sa mga sumusunod na lugar:
- Biyernes: Rehiyon ng Ilocos, Zambales, Bataan, Bicol Region, at Eastern Visayas
- Sabado: Bicol Region, Eastern Visayas, at Caraga
- Linggo: Bicol Region, Visayas, Hilagang Mindanao, at Caraga
Dagdag pa ng PAGASA, posibleng dumanas o mag-landfall ang sentro ni Nando malapit sa Babuyan Islands mula Lunes ng gabi hanggang Martes ng umaga. Inaasahan naman na lalabas ito sa Philippine Area of Responsibility pagsapit ng Martes ng hapon o gabi.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





