Patuloy na lumalakas ang Severe Tropical Storm Tino (international name: Kalmaegi) habang kumikilos ito sa direksyong west southwest sa ibabaw ng Philippine Sea nitong Lunes ng umaga, dahilan upang itaas ang Signal No. 2 sa 11 lugar sa Visayas at Mindanao, ayon sa PAGASA.
Mga lugar sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS)
Signal No. 2
Visayas:
Gitna at timog na bahagi ng Eastern Samar (Quinapondan, Can-Avid, Guiuan, Lawaan, Balangiga, Borongan City, Taft, Llorente, Maydolong, Giporlos, Salcedo, Balangkayan, Sulat, San Julian, General MacArthur, Hernani, Mercedes),
Gitna at timog na bahagi ng Samar (San Sebastian, Santa Rita, Villareal, Zumarraga, Pinabacdao, Talalora, Jiabong, Catbalogan City, Motiong, Calbiga, Daram, Marabut, Paranas, Basey, Hinabangan),
Leyte, Biliran, Southern Leyte, Camotes Islands,
at silangang bahagi ng Bohol (Talibon, Trinidad, Ubay, Bien Unido, Pres. Carlos P. Garcia, Mabini, Alicia, Candijay, Guindulman, Anda, San Miguel, Pilar, Getafe).
Mindanao:
Dinagat Islands, Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands,
hilagang-silangang bahagi ng Agusan del Norte (Kitcharao, Jabonga, Santiago, Tubay),
at hilagang bahagi ng Surigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid).
Signal No. 1
Luzon:
Sorsogon, Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands, timog na bahagi ng Albay (Santo Domingo, Guinobatan, Legazpi City, Camalig, Ligao City, Rapu-Rapu, Pio Duran, Bacacay, Daraga, Malilipot, Jovellar, Manito), Romblon, timog na bahagi ng Oriental Mindoro (Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay, Bulalacao), timog na bahagi ng Occidental Mindoro (San Jose, Rizal, Calintaan, Magsaysay) at Cuyo Islands.
Visayas:
Northern Samar, natitirang bahagi ng Eastern Samar, Samar, Bohol, at Cebu kabilang ang Bantayan Islands, Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental, Guimaras, Iloilo, Capiz, Aklan, at Antique kabilang ang Caluya Islands.
Mindanao:
Gitnang bahagi ng Surigao del Sur (Carmen, Lanuza, Cortes, Tandag City, San Miguel, Tago, Cagwait, Bayabas, Marihatag, San Agustin, Lianga),
hilagang bahagi ng Agusan del Sur (Sibagat, Bayugan City, Prosperidad, Esperanza),
natitirang bahagi ng Agusan del Norte, silangang bahagi ng Misamis Oriental (Gingoog City, Magsaysay, Medina, Talisayan, Balingoan, Kinoguitan, Claveria, Tagoloan, Villanueva, Jasaan, Balingasag, Lagonglong, Salay, Binuangan, Sugbongcogon), at Camiguin.
Galaw at lakas ng bagyo
Sa 5 a.m. bulletin nitong Nobyembre 3, sinabi ng PAGASA na si Tino ay huling namataan 430 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar, sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Kumikilos ito sa bilis na 30 kilometro kada oras, taglay ang pinakamalakas na hangin na 110 km/h malapit sa sentro at pagbugsong umaabot sa 135 km/h. Nagdadala ito ng maalon at stormy weather sa Eastern at Central Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.
Inaasahan ang unang landfall nito sa pagitan ng Eastern Samar, Leyte, o Dinagat Islands pagsapit ng hatinggabi o madaling araw ng Martes, Nobyembre 4. Tatawirin nito ang Visayas at hilagang bahagi ng Palawan bago tuluyang lumabas sa West Philippine Sea sa Miyerkules ng umaga o hapon.
Ayon sa PAGASA, posibleng umabot sa typhoon category si Tino sa loob ng 12 oras at maaaring maranasan ang “rapid intensification” sa susunod na 24 oras.
Inaasahan din na magla-landfall ito sa lakas na 150 hanggang 165 km/h, habang hindi isinasantabi ng ahensya ang posibilidad na maging super typhoon. Bagaman bahagyang hihina sa pagtawid ng kalupaan, mananatili umano itong typhoon habang dumaraan sa bansa.
Babala sa storm surge
Sa naunang 2 a.m. storm surge warning, nagbabala ang PAGASA ng “high risk of life-threatening storm surge” sa ilang lugar sa loob ng susunod na 48 oras.
Maaaring tumaas ang tubig-dagat na may kasamang malalakas na alon sa mabababang baybaying-dagat. Tinatayang higit tatlong metro ang storm surge sa Eastern Samar, habang aabot sa 2.1 hanggang 3 metro sa Dinagat Islands, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Western Samar, at Surigao del Norte.
Sa iba pang lugar gaya ng Agusan del Norte, Aklan, Antique, Biliran, Bohol, Camiguin, Capiz, Cebu, Guimaras, Iloilo, Masbate, Misamis Oriental, Negros Occidental, Negros Oriental, Mindoro, Palawan, Romblon, Siquijor, Sorsogon, Southern Leyte, Surigao del Norte, at Surigao del Sur, posibleng umabot sa 1 hanggang 2 metrong storm surge.
Sinuspinde na rin ang klase sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong Lunes, Nobyembre 3, bilang paghahanda sa epekto ng bagyo.
Iba pang sistema ng panahon
Bukod kay Tino, patuloy ring nakaaapekto sa bansa ang shear line at Northeast Monsoon (Amihan).
Ayon sa PAGASA, ang shear line ay nakaaapekto sa silangang bahagi ng Northern at Central Luzon, habang ang Amihan ay umiiral sa natitirang bahagi ng Northern Luzon.
Asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorm sa Isabela, Aurora, at Quezon. Maulap din na kalangitan at mga pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at natitirang bahagi ng Cagayan Valley dahil sa Amihan.
Samantala, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang pag-ulan o thunderstorm dahil sa localized thunderstorms.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





