PAGASA: Lumalakas si Tino, Signal No. 4 sa walong lugar

0
354

MAYNILA – Bahagyang lumakas pa ang Typhoon Tino (Kalmaegi) habang papalapit sa Eastern Visayas at Caraga, dahilan upang itaas ng PAGASA ang Signal No. 4 sa walong lugar nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), taglay ni Tino ang maximum sustained winds na 140 km/h malapit sa gitna at gusts na umaabot sa 170 km/h. Kumikilos ito pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 20 km/h mula sa silangan ng Dinagat Islands.

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng life-threatening storm surge na maaaring umabot sa higit 3.0 metro sa loob ng susunod na 48 oras, partikular sa mga mabababang baybayin ng Masbate, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Palawan, Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Misamis Oriental, at Camiguin.

Ayon pa sa PAGASA, posibleng mag-landfall si Tino sa peak intensity nito at maaari pang umakyat sa kategoryang super typhoon kung magpapatuloy ang mabilis na pag-intensify.

Mga Lugar sa Ilalim ng Signal No. 4

Nananatiling nasa ilalim ng Signal No. 4 ang mga sumusunod na lugar:

  • Extreme southeastern portion ng Eastern Samar (Guiuan at karatig na bayan)
  • Southern Leyte
  • Camotes Islands
  • Hilagang-silangang bahagi ng Bohol
  • Dinagat Islands, Siargao, at Bucas Grande Islands

Nakataas din ang Signal No. 3 at Signal No. 2 sa mas malawak na bahagi ng Visayas at Mindanao bilang paghahanda sa malalakas na hangin at matinding pag-ulan.

Inaasahan ang malalakas na hangin, malawakang pag-ulan, landslide, at flash flood, lalo na sa mga lugar na direktang dadaanan ng bagyo. Ayon sa PAGASA, maaaring umabot sa 7 metro ang taas ng alon sa silangang bahagi ng Eastern Samar, habang 6 metro naman sa mga karatig na isla.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga lokal na pamahalaan at City Disaster Risk Reduction and Management Offices (CDRRMO) na paigtingin ang preemptive evacuation at tiyaking ligtas ang mga residente sa mga coastal at upland areas na madaling maapektuhan ng storm surge.

Inaasahang magla-landfall si Tino sa pagitan ng gabi ng Lunes at madaling araw ng Martes sa bahagi ng Homonhon Island o Dinagat Islands, bago tumawid sa Visayas at hilagang Palawan hanggang Miyerkules ng umaga.

Ayon sa PAGASA, mananatili sa typhoon category si Tino sa buong pagdaan nito sa bansa. Pagkatapos tumawid ng Visayas, inaasahang lalabas ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) pagsapit ng Huwebes.

Patuloy na pinapayuhan ang publiko na subaybayan ang mga weather bulletin ng PAGASA at sundin ang mga abiso ng kanilang CDRRMO at lokal na pamahalaan.o path forecast ng Tino.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo