Year-end bonus at cash gift ng mga government workers, ibibigay na ngayong Nobyembre

0
311

MAYNILA — Makatatanggap na ngayong Nobyembre ng kanilang year-end bonus at P5,000 cash gift ang lahat ng empleyado ng gobyerno, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na kaisa ang ahensya sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kilalanin at pahalagahan ang sakripisyo at dedikasyon ng mga lingkod bayan.

Para sa fiscal year 2025, inilaan ng pamahalaan ang P63.69 bilyon para sa year-end bonus ng mga civilian at uniformed personnel, at P9.24 bilyon naman para sa cash gift. Ang mga ito ay sasaklaw sa mahigit 1.85 milyong empleyado ng gobyerno sa buong bansa.

Ang year-end bonus (YEB) ay katumbas ng isang buwang basic pay base sa sahod noong Oktubre 31, habang ang P5,000 cash gift ay ibinibigay taun-taon bilang pagkilala sa kanilang tapat na paglilingkod sa publiko.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo