25 Lugar sa Luzon at Visayas, binalaan sa matinding pag-ulan dahil kay Fung Wong

0
544

MAYNILA – Binalaan ng PAGASA ang 25 lugar sa Luzon at Visayas na makakaranas ng malakas hanggang matinding pag ulan sa Linggo, ayon sa Heavy Rainfall Outlook na inilabas nitong Biyernes ng umaga.

Sa advisory na inilabas alas 5 ng umaga noong Nobyembre 7, tinukoy ng ahensya ang mga sumusunod na lugar na posibleng maapektuhan sa Nobyembre 9.

Inaasahang 100 hanggang 200 mm na ulan:

Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes

Inaasahang 50 hanggang 100 mm na ulan:

Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Batanes, Cagayan, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Laguna, Albay, Sorsogon, Masbate, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran

Ayon sa PAGASA, mas mataas pa ang posibleng buhos ng ulan sa mga bulubunduking lugar at maaaring lumala ang epekto sa ilang lugar dahil sa naunang mga pag ulan.

Pinayuhan din ang mga lokal na disaster risk reduction and management office na magsagawa ng kinakailangang mga hakbang upang maprotektahan ang buhay at ari arian. Maaaring maglabas ang mga regional office ng PAGASA ng mga Heavy Rainfall Warning, Thunderstorm Advisory, at iba pang impormasyon kaugnay ng matinding panahon depende sa sitwasyon sa kanilang nasasakupan.

Nananatiling lumalakas si Fung Wong na isa nang severe tropical storm habang nakakaapekto naman ang Northeast Monsoon sa matinding hilagang silangan ng Luzon nitong Biyernes ng madaling araw.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo