MAYNILA – Nagbabala ang PAGASA na tatlong weather system kabilang ang nabubuong Tropical Depression Verbena ang sabay na nakaaapekto sa bansa at magdudulot ng maulap na panahon, ulan, at posibleng malalakas na pagbugso ng hangin ngayong Lunes.
Sa 4 a.m. public weather forecast, sinabi ng PAGASA na ang shear line ay nakaaapekto sa silangang bahagi ng Luzon habang ang Northeast Monsoon ay umiiral sa natitirang bahagi ng Northern at Central Luzon.
Ayon sa PAGASA, si Verbena ay huling namataan 3 a.m. sa layong 345 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte. Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 55 km/h. Kumikilos ito pa kanluran sa bilis na 30 km/h.
Inaasahang magdadala si Verbena ng ulan na may kasamang malalakas na pagbugso ng hangin sa Eastern Visayas, Central Visayas, Negros Island Region, Caraga, Masbate, Iloilo, at Guimaras ngayong Lunes. May banta ng flash floods o landslides dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag ulan.
Magdudulot ang trough ng tropical depression ng maulap na kalangitan na may kalat kalat na pag ulan at thunderstorms sa MIMAROPA, natitirang bahagi ng Visayas, at nalalabing bahagi ng Mindanao.
Metro Manila, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Bulacan, Aurora, at Bicol Region ay makakaranas ng maulap na lagay ng panahon na may kalat kalat na ulan at isolated thunderstorms dahil sa shear line.
Ang Pangasinan at natitirang bahagi ng Central Luzon ay inaasahan ding magkaroon ng maulap na kalangitan na may pag ulan dahil sa Northeast Monsoon. Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaranas ng partly cloudy hanggang cloudy skies na may mahihinang pag ulan.
Ayon sa PAGASA, ang Northern Luzon at silangang bahagi ng Central at Southern Luzon ay makakaranas ng malalakas na hangin at maalong kondisyon sa karagatan.
Ang nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas ay magkakaroon ng katamtaman hanggang malalakas na hangin na may moderate to rough sea conditions habang ang Mindanao ay makakaranas ng katamtamang hangin at katamtamang kondisyon ng karagatan.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





