Total ban ng vape sa buong bansa, itinutulak ng DOH

0
312

MAYNILA — Isinusulong ng Department of Health (DOH) ang pagpapatupad ng nationwide total ban sa vape sa Pilipinas, kasabay ng malakas na pagkondena sa patuloy na mapanlinlang na marketing ng mga produktong vape.

Sa isang pahayag, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na mas mainam nang ipagbawal ang vape sa bansa. Ayon kay Herbosa, madalas na ipinapakita ang vape bilang walang nikotina at alternatibo sa sigarilyo, gayong puno ito ng kemikal at mapanganib ang usok pati ang mismong aparato.

Binatikos din ng DOH ang makukulay na pakete at iba’t ibang flavors ng vape na ginagamit umano upang mahikayat ang mga kabataan na gumamit nito. Batay sa 2019 Global Youth Tobacco Survey, isa sa pitong kabataang Pilipino na may edad 13 hanggang 15 ang gumagamit ng vape.

Matatandaang noong nakaraang taon ay naitala ang unang kaso ng kamatayan sa Pilipinas na may kaugnayan sa dalawang taong paggamit ng vape.

Pinaalalahanan ng DOH na ang paggamit ng vape at sigarilyo ay nakamamatay at nagdudulot ng cardiovascular disease, cancer, at lung disease, kaya’t mariin nilang isinusulong ang total ban sa bansa bilang hakbang para maprotektahan ang kalusugan ng publiko.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo